Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na bawasan ang ipinapadalang nurse abroad.
Ito ang anunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos malaman sa Philippine Nurses Association (PNA) ang kakulangan naman ng nurses sa bansa.
Sa pag-aakala ni Bello ay oversupply ang nurses ng bansa, pero nang mabatid niya na ang mga nagsisipagtapos ng nursing degrees at nakapasa ng board ay magsasanay lamang sa bansa sa loob ng dalawang taon at tutungo abroad.
Kaya aniya umapela ang PNA officers na bawasan ang deployment ng nurses dahil nangangailangan din ang bansa nito lalo na ang mga senior citizens.
Pero aminado rin ang kalihim na ang sahod ay dahilan kung bakit mas pinipili ng mga nurse na magtrabaho abroad.
Facebook Comments