Deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia, sisimulan na ulit sa Nobyembre 7

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang muling pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia simula Nobyembre 7.

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, bahagi ito ng nilalaman ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng kanilang ahensya at ng counterpart nila na Ministry of Human Resources and Social Development ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sabi ng kalihim, bahagi rin ito ng Vision 2030 ng KSA kung saan mangangailangan sila ng mas marami pang mga dayuhang manggagawa, gaya ng mga construction worker, skilled worker, mga IT worker at domestic worker.


Ang kaibahan aniya ngayon ay ang pagkakaroon ng joint effort ng Philippine government at ng KSA para bantayan ang karapatan ng mga manggagawa.

Sa ngayon, patuloy pa rin bilateral talks sa pagitan ng dalawang kampo at sa Disyembre ay magkakaroon ng Joint Committee Meeting sa Riyadh upang talakayin ang pag-review sa sahod ng mga domestic worker at mas maigsing kontrata para sa mga Filipino worker.

Facebook Comments