DEPORTATION ORDER | Hiling na missionary visa extension ni sis. Fox, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Australian nun na si sister Patricia Fox na mapalawig ang kanyang missionary visa.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, hindi ito papaboran lalo at may nauna nang inilabas na deportation order laban sa kanya.

Aniya, kapag inaprubahan ang extension ng kanyang missionary visa ay magiging inconsistent na ito sa findings na nakasaad sa deportation order.


Dagdag pa ni Sandoval, 27 taon nang namamalagi sa bansa si Fox na labag na sa kasunduan ng BI at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kung saan 10 taon lamang ang pinakamatagal na pananatili ng foreign missionary sa bansa.

Kinakailangan nang mag-apply ni Fox ng downgrading ng kanyang visa sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang denial order.

Ang downgrading ay mare-revert ang kanyang status sa pagkakaroon ng temporary visitor’s visa, na may 59-araw na validity, simula sa petsa ng expiry ng kanyang missionary visa.

Sa ngayon, hinihintay ng BI ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) bago gumawa ng hakbang hinggil sa deportation ni Fox.

Facebook Comments