Manila, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na ang pagpapalabas nila ng temporary visitor’s visa kay Sister Patricia Fox ay walang epekto sa magiging resolusyon ng DOJ sa kanyang apela kaugnay ng deportation order.
Una kasing nagpalabas ang BI ng deportation order laban kay Sister Fox subalit inapela ito sa DOJ ng Australian missionary.
Sa ngayon, hinihintay ng BI ang magiging desisyon ng Department of Justice (DOJ) sa apela ni Sister Fox sa kanyang deportation case.
Partikular na inaakusahan si Sister Fox ng paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na nagbabawal sa mga dayuhang turista na lumahok sa political activities sa Pilipinas.
Mula sa missionary visa, ibinaba ng Bureau of Immigration (BI) sa temporary visitor’s visa ang visa ni Sister Fox.