DEPRESSION | Serena Williams, isiniwalat ang dahilan ng pag-atras sa WTA Tournament

18

Inihayag ngayon ni 23-time grand slam winner Serena Williams na dumaranas siya ng “postpartum emotions” dahil sa nahihirapan na itong pagsabayin ang kanyang personal na buhay at ang paglalaro ng tennis.

Ito ang sinabi ni Williams, isang linggo matapos ang “worst defeat” niya sa kanyang career sa San Jose nang matalo siya ng unseeded na si Johanna Konta.

Ayon kay Williams, tila nasa state of depression ang kanyang mindset sa panahon ngayon.

Dagdag pa ni Williams na nilalabanan niya raw ang kalungkutang kanyang nadarama sa pamamagitan ng pagsasabi ng saloobin sa pamilya at mga kaibigan.

Matatandaan na inanunsyo ng mga organizers ng WTA Montreal tournament ang pag-atras ni Williams sa torneyo dahil sa personal na rason.

Facebook Comments