Sa pagdiriwang ng National Mental Health Week noong unang linggo ng Oktubre naging matunog ang usapin tungkol sa depresyon na kung saan ilang kilalang personalidad sa Pilipinas ang sumusuporta para bigyang pansin ito.
Ayon sa World Health Organization isa sa limang tao ang nakakaraanas ng depresyon at dito naman sa Pilipinas 3 milyong Pilipino ang naapektuhan nito. Hindi biro ang depresyon dahil maari itong humantong sa pagpapakamatay. Nito lamang Abril upang matugunan ang suliranin sa mental health naglaan ang DOH ng 100 milyong pondo para ditto. Nagsimula taong 2005 ng tumaas ang kaso ng depresyon sa buong mundo. Nangunguna sa mga sanhi ng depresyon ng isang tao ay ang pag-ibig, same sex relationship, unplanned pregnancy, problema sa eskwelahan , pamilya at health problems.
Maaring maiwasan ang depression at magamot at kasama diyan aang tinatawag na talking therapy at ang anti-depressant medication. Paalala ng WHO Kung pakiramdam mo nakakaramdam ka ng depresyon maaring kausapin ang isang taong pinagkakatiwalaan mo o tumungo sa propesyunal na tao.
Maliban sa DOH na nagsasagawa ng ibat-ibang seminar, may mga non-profit organizations din sa Pilipinas na sumusuporta sa mga nakakaranas nito gaya ng Natasha Goulbourn na tumutulong sa pamamagitan ng pagasasagawa ng mga educational lectures.
Para sa mga taong nakakaranas ng Depresyon maaring tumawag sa HOPELINE ng DOH (02) 804-4673 at 09175584673 para sa counselling at iba pa.
Photo credited to Google Images