Dept. of Agriculture mayroong ayuda na ₱160-M sa mga biktima ng Taal Volcano

Inihayag ng pamunuan ng Department of Agriculture na umaabot sa 160 milyong piso ang ibinigay na ayuda ng ahensiya para sa mga biktima ng pag-alburuto ng Taal Volcano.

Ayon kay ASec. Noel Reyes ng Department of Agriculture, mayroon aniyang programa ang Department of Agriculture na maaaring isangla ang kanilang mga alagang hayop na may minimum na 8,000 bawat tao ang pauutangin at maximum 80,000 naman upang makapagsimula ng panibagong buhay.

Paliwanag ni Reyes na malaking tulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal dahil walang interes ang naturang pautang na babayaran nila sa loob ng walong taon.


Dagdag pa ng opisyal na ang 22 milyong pisong mula sa Farm Input at 30 milyong pisong mula naman Emergency Loan ay bahagi sa 160 milyong pisong pondo ng DA para sa mga apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Una nang dinadaing ng mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang problema sa kanilang mga alagang hayop na hindi na nila napapakain at naaalagaan matapos na magdeklara ng lockdown ang ilang mga alkalde sa Batangas.

Facebook Comments