Nagsasagawa ang Department of Agriculture (DA) ng Confirmatory Test sa mga Barangay sa Plaridel, Bulacan.
Ito’y upang makumpirma kung mayroong kaso ng African Swine Fever sa lugar.
Ayon kay ASF Crisis Management Team Head, National Meat Inspection Service Executive Director Rieldrin Morales, nakaktanggap sila ng mga ulat ng pagkamatay ng mga baboy sa barangay Sipat sa Plaridel.
Kumuha na sila ng blood samples sa mga baboy.
Ang Barangay Sipat ay malapit lamang sa Baragay Pritil sa guiguinto sa Bulacan kung saan may kumpirmadong kaso ng ASF.
Sa ngayon, nasa 17 lugar sa luzon na ang may kumpirmadong kaso ng ASF.
Ito ay ang mga Barangay San Isidro, San Jose, Macabud, Geronimo, San Rafael, at Mascap sa Rodriguez, Rizal.
Barangay Cupang at isang hindi tinukoy na lugar sa Antipolo.
Barangay Pritil sa Guiguinto, bulacan.
Barangay bagong Silangan, Payatas, Tatalon, at Pasong Tamo sa Quezon City.
Mapandan sa Pangasinan, at dalawang lugar sa Pampanga.
Aabot na sa 20,000 baboy na ang pinatay.