Dept. of Agriculture, nakapagtala na ng bangus fish kill sa Taal lake

44

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng fish kill partikular ng mga bangus sa Taal Lake.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – mababa ang lebel ng dissolved oxygen sa lawa kaya namamatay ang mga isda.


Maliban dito, tumataas din ang acidity na nagdudulot ng fish kill.

Napansin din nila ang bahagyang pagtaas ng sulfur level sa lawa.

Kaya inaasahan na ring mangyayari ang fisk kill ng mga tilapia sa lawa.

Samantala, natapos na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang laboratory test sa tilapia na nahuhuli sa lawa.

Ayon sa BFAR, ang mga mahuhuling buhay at sariwang tilapia na niluto nang maigi ay pwede pang kainin.

Facebook Comments