Manila, Philippines – Nanawagan ni 1-PACMAN Partylist Representative Mikee Romero sa Malakanyang na i-certify bilang urgent ang panukala para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience o DDR.
Hiniling ito ng kongresista para may manguna na sa pagtugon sa problema sa water shortage ngayong nakakaranas ng weak El Niño ang bansa.
Naniniwala ang kongresista na makakatulong ang bagong departamento para sa krisis sa tubig na naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga probinsya.
Kinalampag din ng mambabatas ang Senado na madaliin na ang panukalang batas na noon pang October 2018 naisumite sa mataas na kapulungan at hinihintay na lamang ang consolidated Senate version na nakabinbin pa sa committee level.
Kung hindi pa maisasabatas ang panukala, inirekomenda nito na maglabas muna ng Executive Order (EO) ang Pangulo habang hinihintay pa ang pagtatag ng DDR.