Dept. of Education – nangangailangan ng halos 200,000 guro para sa pag-arangkada ng K to 12 program

Halos dalawang daang libong mga guro ang kukunin ng Department of Education ngayong taon hanggang 2020.
 
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, ito’y para matugunan ang pagdami ng bilang ng mga estudyante sa pag-arangkada ng senior high school program ng K to 12.
 
Ngayong papasok na school year 2017 – 2018, mahigit 20,000 public school teachers ang kukunin ng DEPED, para grades 11 at 12.
 
Habang labing walong libong teachers’ naman para sa kindergarten hanggang grade 10.
 
Bukod sa mga teacher, nakatakda ding bigyan ng trabaho ng pamahalaan ang mga health professional.
 
Sa datos ng Dept. of Finance, higit 50,000 health practitioners ang kakailanganin ng Dept. of Heath para sa pagpapaigting ng programang pangkalusugan.
 
Kabilang dito ang mga nurse, doctor, pharmacist at public health associates.
 
 Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL 558 Manila

Facebook Comments