Pagpugot sa ulo ng German National ng ASG – itinuturing na gawaing “hayop” ng DND, 31 katao – hawak pa rin ng bandidong grupo

51
Tinawag na “hayop” ng Department of National Defense ang ginawang pagpugot ng bandidong Abu Sayyaf sa German National na si Jurgen Kantner.
 
Sa isinagawang press conference sa Camp Aguinaldo– Nagpaabot si DND Spokesman Arsenio Andolong ng pakikiramay sa pamilya ng Aleman.
 
Kasabay nito, mariiing kinondina ng opisyal ang tila “hayop” na pagpaslang kay Kantner at ipinangakong tutugisin ang bandidong grupo.
 
   
Kinumpirma din ni Andolong na may hawak na tatlumput isa (31) bihag ang ASG.  
 
 
Panawagan ng opisyal sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan upang tuluyan ng mapulbos ang bandidong Abu Sayyaf.   
 
 RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation”, RMN DZXL 558 Manila

Facebook Comments