Manila, Philippines – Umani ng kaliwat’ kanang reklamo sa social media ang Department of Education hinggil sa unang araw ng pasukan.
Ayon kay Education Asec. Tonisito Umali – bagamat bumaba ang bilang ng mga natatanggap nilang reklamo sa kanilang command center, nadagdagan naman ito sa social media.
Sa tala ng DepEd, aabot sa 27 milyong estudyante ang papasok sa school year 2017-2018 at hindi pa rin nawawala ang kakulangan sa mga classroom lalo’t nasa 30,000 mag-aaral ang inilikas mula marawi city.
Dahil dito, pinayagan na ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng transferees mula marawi kahit wala silang papeles.
Sinabi naman ni Education Asec. Nepomuceno Malaunan – nasa 18,000 classrooms pa ang kailangang maipatayo sa metro manila.
Problema ngayon ng ahensya ang nasa 53,000 teaching post na kailangang punan ng DepEd kung saan ang 33,000 dito ay mula sa senior high school.
DZXL558