PNP HPG nakalatag na ang seguridad sa mga convoy ng delegado para sa pag-tatapos NG SEA Games

114

Plantsado na ang paghahanda ng iba ibang ahensya ng gobyerno para sa pagtatapos ng 30th SEA Games ngayong araw.

Ayon kay PNP Highway Patrol Group Director Police Brigadier General Dionardo Carlos, kahapon ay nagpulong ang SEA Games Task Group Convoy kasama ang HPG, LTO at MMDA riders.


Dito tinalakay, ang pagmamando ng trapiko upang masiguro na hindi magkakaproblema sa byahe ng mga delegado na manggagaling pa ng kani-kanilang hotel sa Metro Manila patungo sa airport.

Pagtitiyak ng HPG, maayos ang koordinasyon ng bawat ahensya at target nilang maging tagumpay ang pag-byahe ng mga delegado.

Una nang pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko, na asahan na ang pagbibigat ng trapiko sa EDSA bukas dahil maliban sa closing ceremony ay mayroon namang concert ng U2 sa Philippine Arena.

Facebook Comments