Desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa o aalisin na ang martial law sa Mindanao, posibleng ilabas sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Bago mag-July 22, inaasahang ia-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon nito kung palalawigin pa o aalisin na ang Martial Law sa Mindanao.

Kasabay ito ng pagtatapos sa animnapung (60) araw na implementasyon ng batas militar sa rehiyon.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – naisumite na nila kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang assessment ng militar kaugnay sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi.


Bilang administrator ng martial law, si Lorenzana ang magpapasa ng report sa Pangulo.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na kapwa pabor sila ni AFP Chief Of Staff Eduardo Año na irekomenda kay Duterte ang extension ng martial law.

Facebook Comments