Manila, Philippines – Ilalabas na sa Huwebes ng Commission on Higher Education o CHED ang desisyon sa hirit ng ilang private tertiary institutions na payagan silang magtaas ng matrikula para sa school year 2017-2018.
Una nang inaprubahan ng ched na magtaas ng tuition fee ang ilang pribadong kolehiyo at unibersidad sa bicol, caraga at davao region.
Maliban rito, ilalabas rin ng ched ang mas malinaw na guidelines hinggil sa free- tuition policy sa mga SUC’s o State Universities and Colleges.
Sa ilalim ng free tuition guideline ng CHED, sagot ng gobyerno ang tuition sa mga SUC’s, pero hindi kasama rito ang miscellaneous fees gaya ng library at laboratory fee.
Facebook Comments