Pangulong Rodrigo Duterte, balik bansa na matapos ang ilang araw niyang pagbisita sa Cambodia, Hong Kong at China

*Manila, Philippines – *Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw niyang pagbisita sa Cambodia, Hong Kong at China.

Sa kaniyang arrival speech sa Davao International Airport, ipinagmalaki ng pangulo ang mga proyektong nakalaan para sa mga pilipino na ipinangako ng China at iba pang bansa.

Pinakita aniya ng China ang pagiging mapagbigay ng mga ito sa pamamagitan ng mga proyektong ibibigay sa bansa.


Ayon kay Duterte, may inilaan ang china na 100-milyong dolyar para sa pilipinas at may susunod pang 500-milyon.

Aniya, sa ilalim ng mga naturang kasunduan, magpapatuloy ang paghahanap ng paraan ng Pilipinas at mga bansang China, Hong Kong at Cambodia upang mapaigi ang kooperasyon sa mga naturang bansa.
DZXL558

Facebook Comments