Desisyong nagbabasura sa mosyon ng AMLC hinggil sa Pork Barrel Scam, pinagtibay ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nitong ibasura ang mosyon ng Anti-Money Laundering Council para ipresenta ang ilang dokumento hinggil sa imbestigasyon sa pork barrel scam na kinasasangkutan ni dating Sen. Jinggoy Estrada.

Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan 5th division, nakasaad dito na hindi nito kinatigan ang hiling ni Estrada na i-subpoena ang mga dokumento sa mga transaksiyon ni Janet Lim Napoles.

Binigyang-diin ng korte na confidential at irrelevant ang mga dokumento sa kasong plunder ng senador.


Matatandaang itinakda ng korte ang plunder at graft trial kay Estrada sa June 19 at September 4, ngayong taon.

Facebook Comments