DETERMINADO | DILG, seryoso na linisin ang mga tiwali sa hanay ng mga pulis, bumbero at jail guards

Manila, Philippines – Determinado si DILG Chief Eduardo Ano na linisin ang mga tiwali sa hanay ng mga pulis, bumbero at jail guards at gawing mahusay ang mga ahensya sa gobyerno.

Binigyang diin ni Ano na sa ilalim ng kanyang panunungkulan nais niyang ilagay sa mas mataas na pamantayan ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at, Bureau of Jail Management and Penology.

Kasunod ng pagtaas ng sahod ng mga pulis, bumbero at jail officers inobliga nito ang lahat na doblehin ang kanilang pagsisikap sa tungkulin


Hinimok ng opisyal ang lahat ng DILG uniformed personnel na patunayan sa kanilang sarili na maging matino, mahusay, at maaasahan sa pagsisilbi sa taumbayan.

Kasabay din nito ang apela ni Ano sa publiko na isumbong sa DILG at National Police Commission ang lahat ng mga iligal na gawain ng mga uniformed personnel upang mas mapabilis ang pag aksyon sa paglilinis sa mga tiwaling opisyal.

Facebook Comments