DFA at DND, pagpapaliwanagin ng Senado ngayong araw kaugnay sa Benham rise

Manila, Philippines – Alas diyes y media ngayong umaga itinakda ng committee on economic affairs ang pagdinig ukol sa kaduda dudang Chinese activity sa Benham rise na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
 
Pangunahing inimbitahan ni Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at ang Department of National Defense.
 
Binigyang diin ni Gatchalian na mahalagang mapa-kinggan ang panig ng DFA at DND para bumalangkas ng Kongreso ng pangmatagalang estratehiya na magtataguyod at magdi depensa sa ating  karapatang sa Benham rise.
 
Target din ng pagdinig na mabatid kung ano na ang naging ugnayan o diplomatic exchanges sa pagitan ng China at ng ating pamahalaan kaugnay sa nasabing usapin.
 
Agad namang nilinaw ni Gatchalian na magiging objective ang kanyang komite sa pagtalakay sa isyu upang maiwasang mahaluan ito ng pulitika.
 
Hangad din ng pagdinig na makapag-latag ng panuntunan para sa responsableng pangangalaga sa mahalagang likas-yaman na matatagpuan sa Benham rise.


Facebook Comments