MANILA – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang natatanggap na may Pinoy na nadamay sa pamamaril sa Orlando, Florida na ikinasawi ng 50 katao.Sa interview kay Foreign Affairs Spokesperson Asec. Charles Jose, sinabi niya na hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga casulaties sa itinuturing na pinakamatinding mass shooting sa Amerika.Kaugnay nito, aminado ang Filipino community sa Orlando na natatakot ngayon ang mga Pinoy sa syudad kasunod ng pagdedeklara ng State of Emergency.Ayon kay Ivan Rogando, sinabi nitong nasa loob siya ng pinagtatrabahuhang kumpaniya nang nangyari ang insidente.Nakatanggap sila ng mensahe mula sa mga opisyal sa lugar na manatili na muna sa loob ng mga bahay at gusali para hindi madamay sa insidente.pansamantala rin aniyang isinara ang ilang kalsada sa lugar habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga otoridad.Sa ngayon, mas mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa lugar lalo na ang pupunta sa Orlando.
Dfa, Inaalam Pa Kung Mayt Pinoy Na Nadamay Sa Mass Shooting Sa Orlando Florida
Facebook Comments