DFA, itinaas sa Alert Level 2 ang Sudan

Ilang Sudanese na nakitang nagsusunog ng mga gulong at nagtatayo ng mga barikada, sa Khartoum. (Courtesy: Reuters)

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 2 ang Sudan kaugnay ng tumitinding kaguluhan sa bansa.

Bunsod nito, binalaan ng ahensya ang mga Pilipino na huwag nang tumungo sa Sudan.

Itinataas sa Alert Level 2 o Restriction Phase ang isang bansa pag mayroong seryosong banta sa buhay, seguridad, at pagmamay-ari ng mga Pinoy.


“Filipinos who remain in the country where Alert Level 2 is in effect are advised to restrict non-essential movements, avoid public places, and prepare for evacuation,” ani DFA Assistant Secretary Emmanuel Fernandez.

Samantala, papayagan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umuwi ang overseas Filipino workers (OFWs) kung may kasalukuyang kontrata sa bansa at iba pang “special circumstances.”

Ayon sa DFA, maaaring tawagan ng mga Pinoy na nangangailangan ng tulong ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa mga numerong (+202) 252-13062 at (+249) 183-468717.

Facebook Comments