DFA, nagbabala sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho abroad gamit ang Tourist Visa

Nagbabala ang Dept. of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho sa abroad gamit ang Tourist o Visit Visa.

Ito ay matapos na matulungan makauwi ang 71 distressed overseas Filipino Workers (OFW), na umalis sa bansa bitbit ang Visit Visa.

Ayon kay DFA Usec. Sarah Lou Arriola, ang mga OFW na walang maayos na Employment Documents ay pwedeng mabiktima ng abuso at exploitation.


Nakakatanggap sila ng mga ulat na ginagamit ng mga illegal recruiter ang Third o Fourth Country, kung saan hindi nire-require ang Visa, bilang jump-off points.

Bukod sa pagkuha ng tiket sa eroplano, tinulungan din ang mga Nagkaproblemang Pinoy para makakuha ng Exit Visas.

Facebook Comments