DFA, nagsagawa ng protocol training para sa mga tauhan ng DBM

Pinaghahandaan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 2025 Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting na gagawin sa February 2 hanggang February 5.

Kaya naman pinangunahan ng DFA ang isang protocol and liaison officer training para sa 61 kawani ng Department of Budget and Management (DBM) kabilang na ang mga nasa regional office na dumalo rin on-line.

Ito ay bilang paghahanda ng mga taga-DBM upang maging liason officer sa magaganap na pagtitipon sa susunod na linggo.


Ang training ay idinaos sa mismong opisina ng DBM sa Maynila na pinangasiwaan ng DFA Office of Protocol at sila rin ang nagsilbing trainor at guide ng mga participant para sa Fundamentals of Diplomatic and Ceremonial Protocols.

Nag-courtesy call din ang grupo kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman kung saan ay pinasalamatan ng DFA ang DBM sapagkakataong mag-collaborate ang dalawang ahensiya.

Facebook Comments