Ilang Tauhan ng 3rd District Engineering Office ng DPWH-Isabela, Inireklamo ng Pangingikil

27

Cauayan City, Isabela- Binalaan ni DPWH Isabela 3rd District Engineer Adonis Asis ang ilang inhinyero ng kanilang distrito na sangkot sa umano’y ‘pangongotong’ sa mga contractor.

Ito ay matapos ilapit ng ilang contractor sa iFM news team ang ginagawa umano ng ilang inhinyero.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay Dist. Engr. Asis, kaagad itong nagpatawag ng pagpupulong kahapon at kanyang binigyang diin na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng maling gawain.

Hindi pa umano tukoy ng opisyal kung sinu-sino ang mga nasa likod ng umano’y talamak na pangingikil sa mga contractor pero kanyang tiniyak na darating ang oras na malalaman ito at titiyaking papanagutin kung mapatunayang nagkasala.

Matatandaang naging kontrobersyal rin ang DPWH sa kaliwa’t kanang isyu partikular ang usapin sa umano’y sa korapsyon sa ahensya.

Paiimbestigahan umano ng opisyal ang reklamo laban sa mga tauhan ng ikatlong distrito ng DPWH na posibleng sangkot sa pangingikil.



Facebook Comments