DFA nakontak na ang grupo ng Pinoy engineer sa Libya na naiipit sa bakbakan

Nagkaroon na muli ng komunikasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa grupo ng mga Filipino engineers na naiipit sa bakbakan ngayon sa Libya.

Ayon kay Chargé d’ Affaires Elmer Cato, apat na araw na hindi makontak ang mga ito.

Sinabi pa ni Cato ang mga Filipino engineers ay nasa labas lamang ng compound ng Tripoli kung saan sentro ngayon ng bakbakan.


Paliwanag pa nito lahat sila ay ligtas, all accounted for at nasa mabuti ng kalagayan.

Sa ngayon tuloy-tuloy ang ginagawang panghihikayat ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipino na nasa Tripoli, Libya na umuwi para sa kanilang kaligtasan.

Batay sa datos ng Embahada ng Pilipinas sa Libya, 70 pa lamang ng mga OFWs ang napakiusapan nilang bumalik ng bansa mula sa 2,000 OFW pa na nananatili sa Libya kung saan 1,000 rito ay nagtatrabaho sa Tripoli at mga kalapit na lugar kung nasaan ang sentro ng gulo.

Facebook Comments