NLEX coach Guiao, nag-short break muna sa pagko-coach

Nagpahinga muna si NLEX coach Yeng Guiao, matapos ang pagkatalo ng kanyang koponan sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Matatandaang tatlong beses na tinambakan ng Alaska Aces ang NLEX Road Warriors.

Ayon kay Guiao, gusto niya munang kalimutan ang basketball kaya nagbakasyon siya kasama ng kanyang pamilya sa Europe.


Maganda rin aniyang pagkakataon ito para ikondisyon ang sarili bago sumabak sa dalawa pang huling laban para bawiin ang kampeonato.

Sa Sabado, June 1 ay makakalaban ng NLEX ang Columbian Dyip.

Facebook Comments