DFA, nilinaw na hindi humingi ang China ng concession kapalit ng kanilang bakuna

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang anumang concession na hinihingi ang China kapalit ng pagbibigay nila sa Pilipinas at sa iba pang bansa ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa harap ng namumuong tensyon sa Julian Felipe Reef sa West Philippines Sea kung saan nasa higit 40 Chinese vessels pa rin ang nananatili sa lugar kahit ipinanawagan na ng Department of National Defense (DND) na umalis sila.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Locsin na ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines ng China ay pagpapabot lamang ng tulong at walang ibang kapalit.


“There is not even the faintest suggestion from China that the vaccine it generously provides has an exchange in mind be it sovereignty or concession; it is just, Wang Yi said, what good neighbors do for each other. Chinese not heap. It is help extended; no submission expected,” sabi ni Locsin sa kanyang tweet.

Sa hiwalay na tweet, igniit ni Locsin na hindi susuko ang Pilipinas at handang mamatay o magpasiklab ng World War 3.

China can say what it wants, Philippines will do what it must keep what’s hers by right. Irrelevant whether we possess commensurate military power to meet the challenge; we will not yield but die — or trigger World War 3. Not a bad outcome; living is overrated. Honor is all,” ani Locsin.

Bago ito, binanatan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Chinese Embassy sa Manila dahil sa patuloy nilang pangangatwiran sa presensya ng “maritime militias” sa Julian Felipe Reef, na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments