DFA Secretary Manalo, nagpa-abot ng simpatiya sa pamamaril kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe

47
Photo Courtesy: Enrique A. Manalo Twitter Account

Nagpa-abot ng pakikisampatiya si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa nangyaring pamamaril kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Ayon kay Manalo, nakakagulat at nakakadismaya ang nangyari kay Abe.

Nagpaabot din ng panalangin ang kalihim para sa agarang paggaling ng dating prime minister ng Japan


Si Abe ay nasa kritikal na kalagayan matapos barilin habang nagtatalumpati sa Nara, Japan.

Facebook Comments