
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan ng Philippine Embassy sa France ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Pransya, sa pagkawala ng bust ni Dr. Jose Rizal sa Paris.
Ayon sa DFA, agad naman na nai-report sa French authorities ang insidente.
Maging ang Filipino community anila sa France ay nakatutok din sa pag-recover ng bust ni Dr. Jose Rizal.
Sa ngayon, blangko pa ang DFA sa motibo ng pagkawala ng nasabing bust ni Rizal.
Ang bust ni Dr. José Rizal ang nagsisilbing landmark para sa mga Pilipino sa Paris at nagsisimbolo ito ng pagkakaibigan ng Pilipinas at France.
Ang bust ay nawala sa pagitan ng October 25 at October 26, 2025.
Facebook Comments









