Romualdez, posibleng masampahan ng reklamo ng Ombudsman; bagong task force tutok naman sa pamilya Villar

Posibleng masampahan ng reklamong gross inexcusable negligence si dating House of Representative Speaker Martin Romualdez ayon iyan kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, dapat mapanagot si Romualdez sa pagtatalaga kay dating Congressman Zaldy Co bilang House Appropriation Committee chair na sangkot umano sa katiwalian sa flood control projects.

Samantala, bubuo naman ng panibagong task force para sa pamilyang Villar matapos na mapag-alaman na ang bahagi ng Bacoor-Las Piñas Riverdrive ay napapalibutan ng mga ari-arian ng mga pamilya.

Samantala, ibinunyag din ng Ombudsman na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa umano’y connivance o sabwatan sa pag-apruba ng mga proyektong walang aktwal na implementasyon sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng dating House Speaker.

Facebook Comments