DFA, tiniyak na walang Pinoy na kabilang sa daan-daang nasawi sa mudslide sa Sierra Leone

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong kabilang sa tatlong daang mga nasawi sa mudslide sa Sierra Leone.

Sa naturang kalamidad, mahigit anim na raan pa ang mga nawawala.

Patuloy namang mino-monitor ng Philippine Embassy ang sitwasyon sa Sierra Leone para matiyak na ligtas ang lahat ng Pinoy doon.


Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to Abuja Shirley Ho-Vicario na walang naapektuhan sa isang daan at labing-limang mga Pilipino sa Sierra Leone.

Nagpa-abot na ng pakikiramay ang DFA sa mga naapektuhan ng kalamidad sa nasabing bansa.

Facebook Comments