Lalaking napatay sa Pasig matapos pagbabarilin, nakilala na

135

Manila, Philippines – Nakilala na ang lalaking napatay matapos pagbabarilin sa Pasig City kanina.

Ayon kay Sr. Supt. Orlando Yebra, ang biktima ay nakilalang si Francisco Sioco, alias Jonjon.

Sa initial na imbistigasyon ng mga pulis, nakasakay ang biktima sa tricycle​ at pagsapit sa Market Ave. kanto ng Mercedes Ave., Brgy. San Miguel, Pasig City nang pinagbabaril na ito ng gunman.

Dead on the spot si Sioco matapos tamaan ng mga bala sa katawan habang agad nakatakas ang suspek.

Pahirapan ngayon ang imbistigayon dahil hindi na namukaan pa ang tumakas na gunman.

DZXL558

Facebook Comments