Thursday, February 12, 2026

DFA, tinututukan ang developments sa nangyaring mass shooting sa Canada

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na nakatutok sila at ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa nangyaring mass shooting sa Tumbler Ridge Secondary School at isang local residence sa Tumbler Ridge, British Columbia, Canada.

Ayon sa DFA, sa ngayon, wala pang kumpirmasyon hinggil sa pagkakakilanlan o nationalities ng casualties.

Puspusan din ang pag-account ng ng Philippine Consulate sa lahat ng mga miyembro ng Filipino community sa lugar.

Tiniyak naman ng Konsulada ng Pilipinas na handa itong magbigay ng tulong sa mga Pinoy na posibleng naapektuhan ng trahedya.

Pinapayuhan naman ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa Philippine Consulate.

Facebook Comments