Inihahanda na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang abot sa 950 housing units para sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-alburOto ng Bulkang Taal.
Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, may 950 housing units na magsisilbing temporary shelter ng mga apektadong residente sa Sariaya at Tiaong sa Quezon province.
Ininspeksyon na ng Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Housing Authority (NHA) ang naturang mga housing units.
Magkakaloob naman ng assistance ang Social Housing Finance Corporation sa mga apektadong pamilya sa ilalim ng Community Mortgage Program.
Sa ngayon ay ginagawa na ng profiling ng mga benepisaryo ng housing units.
Inihahanda na rin ni DHSUD-Regional Office 4A Director Jann Roby Otero ang paglalagay ng temporary electricity at water supply sa Sariaya at Tiaong sites sa sandaling matirhan na ang mga housing unit.