‘DI KAWALAN | Pagbibitiw ni Uson, hindi malaking kawalan sa administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Hindi malaking kawalan sa bansa ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo, maraming beses nang ipinakita ni Uson na hindi talaga niya naiintindihan at hindi siya handa para gampanan ang tungkulin ng isang lingkod bayan.

Pero ayon kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ang pagbibitiw sa pwesto ni Uson ay hindi nangangahulugang absuwelto na siya sa anumang pananagutan mula sa kanyang mga dating nagawa.


Matatandaan na ang Pangawalang Pangulo ay laging nakakatanggap ng maanghang na batikos mula kay Uson.

Facebook Comments