IGINIIT | Pagmamanman sa mga taong nais patalsikin ang Pangulo, normal lang

124

Manila, Philippines – Normal lang sa militar ang paniniktik sa mga indibidwal na hayagang nagsusulong ng pagpapatalsik sa Pangulo sa pwesto.

Ito ay matapos aminin ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang pagmamanman nila sa bahay ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang paglabag na ginagawa ang militar lalo na kung hindi naman nilalabag ng mga ito ang privacy ng senador.

Legal rin aniya ang tinatawag na casing lalo na sa mga katulad ni Trillanes na lantarang nagpapahayag ng pagkadismaya sa Pangulo.

Facebook Comments