Manila, Philippines – Sugatan ang isang pulis at dalawang civilian employee ng Philippine National Police (PNP) matapos mabagsakan ng LED Screen sa selebrasyon ng ika-117th Police Service Anniversary kahapon.
Sa ulat ng PNP Health Service, isang babaeng pulis edad 42-anyos ang nabagsakan ng LED screen sa bunbunan.
Nabagsakan rin ng LED screen sa kanyang kaliwang tuhod ang isang babaeng civilian employee edad 52-anyos.
At tinamaan rin sa kanyang noo ang isang lalaking civilian employee na edad 60-anyos.
Bumagsak ang LED screen dahil sa lakas ng hangin ng mag flypast ang bagong chopper ng PNP na Bell 428 habang ipinipresenta kay Pangulong Rodrigo Duterta na syang guest of honor and speaker sa selebrasyon at sa mga dumalo sa aktibidad kahapon sa Grandstand ng Camp Crame.
Sa Findings ng PNP Health service walang nagtamo ng major injuries sa mga sugatan kaya agad ring pinauwi ang mga ito at binigyan na lamang ng iinuming gamot para sa kanilang sugat.
Pero pinayuhan ng mga doktor na bumalik kung makaramdam pa ng pananakit sa kanilang sugat.