‘DI NA IPATUTUPAD | Planong pagpapatupad ng fuel excise tax sa France, binawi na!

France – Hindi na magpapatupad ng dagdag na buwis sa langis sa susunod na taon ang France.

Binawi na kasi ni French President Emmanuel Macron ang plano nilang pagpapatupad ng fuel excise tax kasunod na rin ng mga malawakang kilos protesta na ikinasa sa iba’t ibang bahagi ng France para tutulan ang naka-ambang dagdag buwis.

Matatandaang naglunsad ng yellow vest protest ang mga manggagawa maging ang mga estudyante bilang pagkondena sa planong dagdag buwis sa langis ng pamahalaan.


Maliban dito, naparalisa din ang sektor ng enerhiya at operasyon sa mga pantalan matapos na mag-welga ang mga empleyado nito.

Facebook Comments