‘DI PA MASABI | AFP, wala pang rekomendasyon kay Pangulong Duterte kung palalawigin ba nito ang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Hindi pa masabi ngayon ng Armed Forces of the Philippines kung irerekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapalawig ng ipinapatupad ng Martial Law sa Mindanao.

Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na sa susunod na linggo pa sila magsasagawa ng assessment sa Mindanao kung kailangan ba o hindi kailangang palawigin ang Batas Militar sa nasabing rehiyon.

Paliwanag ni Galvez, sasusunod na linggo pa maguusap ang mga opisyal ng Eastern Mindanao at Western Mindanao Command ng AFP upang alamin ang buong sitwasyon sa Mindanao para malaman ang kanilang magiging batayan ng kanilang irerekomenda sa Pangulo.


Hindi din naman masabin ni Galvez kung irerekomenda nila na palawigin ang Martial law dahil mas maganda na tapusin muna ang gagawing assessment.
Pero sinabi din nito na isa sa konsiderasyon na kanilang titingnan ay ang darating na halalan sa susunod na taon dahil malaki ang naitulong ng Martial law sa seguridad at katahimikan ng nagdaang Barangay at Sangguniang kabataan Election.

Sinabi pa nito na batay sa kanilang naitala ay gumanda ang takbo ng pagnenegosyo sa iba’t ibang lungsod sa Mindanao habang ipinapatupad ang Martial Law.

Bukod pa aniya ito sa suporta na ipinapakita ng mamamayan at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng Batas Militar sa Mindanao.

Facebook Comments