‘DI PINAGBIGYAN | Hiling na TRO ni Trillanes, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Senator Antonio Trillanes na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa ng kanyang amnestiya.

Ayon kay Supreme Court acting PIO Chief, Atty. Maria Victoria Guerra, kinikilala ng SC ang hurisdiksyon ng Makati City Regional Trial Court sa pagresolba sa legalidad ng mosyon ng Malacañang na arestuhin at muling buhayin ang mga kasong kriminal ni Trillanes.

Sinabi pa ni Guerra, ang Makati RTC dapat ang dapat humawak sa arrest warrant at hold departure case sa senador.


Tinanggap naman ni Trillanes ang desisyon ng SC.

Dahil sa SC ruling, mas maididiin pa ni Trillanes si Solicitor General Jose Calida

Para naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala nang hadlang sa pagbawi ng amnestiya ni Trillanes.

Dagdag naman ni Solicitor General Jose Calida, patunay lamang na ang SC ruling na walang basehan ang mga kahibangang sinasabi ni Trillanes.

Tingin naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kinilala ng SC ang hurisdiksyon ng Makati RTC sa coup d’ etat at rebellion cases laban kay Trillanes.

Facebook Comments