Dialysis meds, nais ng Kamara na ipasagot na rin sa PhilHealth

Hiniling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa PhilHealth na pag-aralan kung pwedeng sagutin na rin nito ang gamot na ginagamit sa dialysis ng mga pasyente na may diabetes.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, tugon ito ni Romualdez sa maraming dialysis patients na lumapit sa kanya at umaapela na ilibre na rin ang gamot o bigyan sila ng diskwento.

Pangunahing binanggit ni Tulfo ang injection pagkatapos ng dialysis session ng pasyente na umaabot sa 900 hanggang 1,500 pesos.


Binangit ni Tulfo na sa ngayon ay sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero hindi kasama ang gamot.

Sa impormasyon ni Tulfo ay nasa 4.5 milyong mga Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapadialysis ng isa hanggang tatlong beses kada linggo.

Facebook Comments