DICT, muling nagpaalala sa mga bibiyahe na iwasang mag-post sa social media kung aalis ng bahay ngayong Holy Week

Photo: Radyoman Emman Mortega

Todo paalala ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa na iwasan mag-post sa social media lalo na kung walang tao sa bahay.

Ang naturang paalala ng ahensya ay bunsod na rin sa patuloy na pagtaas na bilang ng kaso o na nabibiktima online.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy sa isinagawang press conference sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), kung magpo-post umano ng litrato ay magandang nakauwi na o nakabalik na sa kanilang mga bahay para hindi takaw sa atensyon ng mga akyat bahay at magnanakaw.


Aniya, lalo na ang pagla-live stream ay hindi advisable lalo na kung ang nakikita sa video ay buong pamilya kayong nag-travel at walang tao sa inyong bahay.

Nagpaalala naman si Uy na dahil na rin sa mga e-travel scam at online scam dahil sa dami ng naloloko at nauutong indibidwal online.

Sa datos na inilabas ng ahensya, halos 300% ang itinaas ng mga nabibiktima dahil sa dami ng klaseng scams online pati na ang mga physical scam.

Nagpaalala naman ang DICT, na maging alerto at iwasan ang mga too-good-to-be-true deals, “free vacation” scams, fake travel agents, overpriced tours, charity cons, lost luggage na binibenta sa Facebook, fake SIM cards, at cheap airline tickets.

Facebook Comments