𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗧𝗔𝗡𝗗𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡

Patuloy na umuugong ang imbestigasyon kaugnay sa pamamaril ng riding in tandem sa isang dating drug personality na nag-iinuman lamang sa tabing kalye ng Sitio Maharlika, Brgy. Caranglaan, Dagupan City.

Nakilala ang biktima na si Jayson Baylon, 30 anyos at dating kinasuhan sa paglabag sa RA 9165 at RA 10591. Lumalabas na nag-iinuman sa harap ng bahay ng pamilya ng live-in partner ng biktima kasama ang tatlo pa nitong kaibigan nang bigla na lang tumigil sa harap nila ang riding in tandem at pinagbabaril si Baylon.

Nagtamo ng apat na tama ng baril sa katawan ang biktima at nakatakbo pa matapos mabaril. Samantalang nakatakas ang mga suspek. Sa imbestigasyon sa crime scene, narekober ang apat na basyo ng caliber .45.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa iba pang karatig police station ang awtoridad para sa pagsasagawa ng dragnet at checkpoint upang tuluyang makilala ang mga suspek at matukoy ang motibo sa pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments