Diego Loyzaga, sawa na sa mga taong "makikitid ang utak"

Nagbigay ng pahayag si Diego Loyzaga kasunod ng kanyang kontrobersiyal na mga larawan sa Boracay na nagtamo ng samu’t saring mga komento mula sa mga netizens noong nakaraang linggo lamang.
Sa kanyang Instagram post noong May 19, nagpakita si Diego ng isang screen shot ng mga netizens na nag-akusa sa kanya na binibigyan ng “special treatment” dahil pinahintulutang bisitahin ang Boracay sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang isla mula sa mga turista.
Sinabi ni Diego na ang kanyang nai-post ay mga larawan sa Boracay na kinuhaan pa noong Abril 1, bago ang pagsasara ng anim na buwan na opisyal na nagsimula noong Abril 26.
Ginamit ni Diego ang social media application na Twitter upang ipahayag na hindi siya kumikilos sa paraang nais ng mga tao para lamang sa pagpapanatili ng isang magandang larawan.


Idinagdag pa niya na hindi na nakakagulat na ang ilang mga kilalang tao sa showbiz ay nakakaramdam ng “depression” o gusto ng itigil ang pagshoshowbiz sa kadahilanan na ang ilang mga netizens ay may hindi makatwirang rason sa kung paano dapat mamuhay ang isang artista.


Facebook Comments