Manila, Philippines – Itinuturing ng Amnesty International Philippines na isang mensahe sa Duterte administration ang pagtawag ng United States Intelligence Community kay Pangulong Rodrigo Duterte na banta sa demokrasya at human rights sa kanilang ginawang Worldwide Threat Assessment.
Ayon kay Butch Olano, section director ng AI, sumasang-ayon sila na posibleng maging diktador si Pangulong Duterte kung hindi magbabago ang kaniyang mga polisiya at pagbibigay priyoridad sa karapatang pantao.
Aniya, sa ngayon ay nakikita ang ilang senyales ng dictatorial tendencies ni Duterte sa pagsikil sa karapatan sa pamamahayag katulad ng panggigipit sa Online news na Rappler, ang pananakot sa mga human rights defenders at pagwasak sa mga institisyon ng check and balance tulad ng Ombudsman at Korte Suprema.
Aniya, kapag ang human rights ng isang bansa ay makakapekto ito sa ibat ibang larangan ng buhay ng tao.
Malinaw na gustong iparating ng mensahe na bigyan pa ang pangulo ng panahon para magbago.