DILG at DENR, mas palalakasin ang kampanya laban sa illegal logging at quarrying

Paiigtingin pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanya laban sa illegal logging at quarrying matapos ang mga pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pupulungin ng DENR ang itinatag na National Anti-Illegal Logging Task Force upang maipatupad ang mga bagong istratehiya sa pagprotekta sa natitirang forest cover at mga threatened habitat sa buong bansa.

Kasapi sa Task Force ang DILG, Phillipine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ayon kay Malaya, napagkasunduan nina DILG Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu na pakilusin ang lahat ng mga kinakailangan upang mapigilan na ang pagsira sa natitirang kagubatan.

Nangako rin ang DILG na susuportahan ang National Greening Program ng DENR na naglalayong buhayin ang nasa 1.2 milyong ektaryang nakalbong gubat.

Makikipagtulungan din ang ahensiya sa mga civil society organizations sa pagtatanim ng mga seedlings sa kagubatan.

Facebook Comments