DILG, hinamon ang mga kabataan, IPs at urban poor na ipagtanggol ang nakamit na kalayaan laban sa mga tinawag na Enemy of the State

Kasabay ng selebrasyon ng ika  121 anibersaeyo ng  kasarinlan, hinikayat ni  Interior  Secretary Eduardo  Año ang sambayanan partikular ang mga kabataan, mga katutubo at  mga  urban poor na protektahan ang tinatamasang kalayaan laban sa  enemy of the state.

 

Ayon kay Año, dapat labanan ang nangyayaring  ng  recruitment ng mga grupong komunista  para sa layuning makipagdigma sa gobyerno.

 

Ani Año, bagamat malaya na ang bansa saklot ng dayuhang mananakop, nariyan pa rin ang communist ideology na ipinasok ng mga dayuhan sa bansa.


 

Sa pamamagitan ng  Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front, nalilinlang ang mga kabataan at mga bulnerableng sektor para sumama sa pagpapahina sa demokrasya at pag alsa laban sa gobyerno.

 

Binigyan diin ng DILG chief na hindi kinakatawan ng leftist groups ang boses ng sambayanan.

 

Nagtatago lamang aniya ang mga ito sa pagiging tagapagtanggol ng masa.

 

Pero sa likod nito, layunin nila na pabagsakin ang demoktasya at palitan ng maka komunistang pamumuno.

Facebook Comments