DILG, hinikayat ang mga bagong halal local chief executives na aktibong makibahagi sa Good Governance Program ng gobyerno

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga bagong halal na local chief executives sa bansa  na makibahagi sa Good Governance Program (GGP) ng gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, naglabas si Secretary Eduardo  Año ng Memorandum Circular 2019-96, na nag-aatas sa lahat ng mga provincial governors, city/municipal mayors, Sanggunian members, kasama na ang mga nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) governor na aktibong makibahagi sa mga capacity development initiatives sa ilalim ng 2019 NEO Program.

Abot sa 1,715 newly-elected local chief executives ang sasailalim sa  orientation course patungkol sa good local governance kung saan inaasahan na makakapagbalangkas ang mga ito ng first 100 days plan at ng isang executive agenda .


Mula sa naturang bilang, 81 ang provincial governors, 145 ang city mayors at 498 na first-time municipal mayors.

Ang schedule ng orientation course ay ang mga sumusunod:

July 8 hanggang 10, lahat ng provincial governors na gaganapin sa Metro Manila

July 10 hanggang 10, city mayors sa Metro Manila

July 16 hanggang 18, mga bagong municipal mayors sa Regions 1, 3 at 4-A na gaganapin sa Metro Manila

July 17 hanggang 19 mga  municipal mayors sa Regions II, CAR, MIMAROPA at V na gaganapn sa Metro Manila

July 24 hanggang 26 mga bagong municipal mayors sa Mindanao municipal mayors na gaganapin sa Davao City

July 29 hanggang 31 mga bagong municipal mayors sa Visayas na gaganapin naman sa Cebu City

Ang orientation course ay bahagi ng  nagpapatuloy na  interbensyon ng DILG sa ilalim ng  Local Government Academy na naglalayong magbigay ng iisa at holistic o sakdal kapasidad sa mga bagong sibol na lingkod bayan.

Facebook Comments