Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ipinataw na isang taong suspensyon sa alkalde at bise-alkalde ng Urdaneta City matapos maipadala ang kasulatan mula sa mismo sa tanggapan ng Office of the President.
Ayon sa tanggapan, iniutos na ang pagpapatupad ng naturang suspensyon order laban sa dalawa.
Matatandaan na inihayag ng alkalde na hindi pa umano nito natatanggap ang utos dahil nakabakasyon ito, na pinabulaanan naman ng gobernador ng Pangasinan at sinabing hindi pinayagan umano ang kanyang leave.
Matatandaan na nag-ugat ang inihaing suspension order laban sa dalawa dahil umano sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









